PAGLAKI KO Wala akong AMA na kasa-kasama Sa aking madalas na pag-iisa Sabi ni Nanay nasa malayo ka raw Yamay iyong dala pag-uwi mo balang-araw. Kaming mag-ina laging magkasama Sa tuwat ligaya kami ay iisa Bakit ang iba mahigit sa dalawa? Higit ang saya nila Dahil ba sa may TATAY sila? Sa paglaki ko, AMA sa larawan Pipilitin kong maintindihan Paglaki ko, paglaki ko, paglaki ko.
Sa mura kong isipan Hindi ko maintindihan AMA sa larawan hinahagkan-hagkan Hindi mayapos kapag kailangan. Pagmamahal mula sa malayong bayan Laging pinaabot sa mga liham Sabi ni TATAY, Anak, sana sa paglaki mo Maintindihan mo ang paglayo ko. Sa Paglaki ko, AMA sa larawan Pipilitin kong maintindihan Sagot sa tanong ko kailan makakamtan Paglaki ko, paglaki ko, paglaki ko.
By: Federico Franco
**An entry to OFW Music Festival a couple of years ago, sung by Michelle Ann Torrefranca whose lyrics touches every ones heart. The song was composed by an OFW in Saudi Arabia in the person of Mr. Federico Franco .