

Salamat Panginoon sa pagbibigay Mo ng buhay
sa buhay na bigay kasama ang bagsak at tagumpay
sa tagumpay naman sama ang galak at lumbay
Panginoon sa piling Mo ay buhay na walang hanggan.
Salamat Panginoon sa bigay Mo na aking magulang
si tatang ang nagmulat kung papaano mamuhay sa kahirapan
si tatang ang nagmulat sa pagbanat ng buto at lakas ng katawan
si tatang ang nagmulat sa halaga ng pag-aaral at ng katipiran.
Salamat Panginoon sa bigay Mo na aking inang
si inang ang nagturo sa araw-araw na pagdarasal
si inang ang nagturo na sambahin ang Puongmaykapal
salamat inang sampalataya sa Dios ay walang alinglangan.
Salamat Panginoon sa pagtatapos ng aking pag-aaral
salamat Panginoon sa propesion na matagumpay
propesion natapos nakatulong sa paghahanapbuhay
salamat Panginoon at nairaos ang apat namin inakay.
Salamat Panginoon sa bigay Mo na asawa na maalalahanin
salamat Panginoon siya ang ligaya sa pusong naninimdim
ngayon matatanda na at lumalabo na ang paningin
Salamat Panginoon sa mga biyaya na bigay mo sa amin.
Salamat Panginoon sa pagdadala Mo sa akin dito sa bagong bayan
sa bagong bayan ay nadala ko ang aming buong angkan
salamat Panginoon buong angkan ay nahango sa karalitaan
angkan ngayon ang tumutulong sa kamaganak sa bayang iniwan.
Salamat Panginoon sa pagpapakita Mo kahit isang saglit
nagsasalita Ka at meron binibigkas ang Iyong bibig
binge ang tainga at sarado ang kakayahan sa pandinig
bigla Kang naglaho dahil nagpumilit na Kita ay marinig.
Salamat Panginoon sa Iyong pagpapakita
salamat Panginoon sa pabubukas Mo ng likurang mata
salamat Panginoon bagamat binge ang aking tainga
Panginoon buksan Mo ang tainga sa muli natin pagkikita.
Happy thanksgiving, luv u all
Leo Gener AHS 64
|