Home
About us
Anita's Kitchen
Recipes
Anita's Wine Recipes
Activities - Philippines
Activities Philippines-2009
Activities - U.S.A.
Household Hints
Coffee Table Book
Letter from Readers
My Album
Recipe Album
Search
Articles
Poems
Mutya
Don't Forget to Remember
Paglaki Ko
Sa Aking Diwata
Reminescense
Pasasalamat
Inang Bayan
Ang Silid
What If
Pagbating Naantala
Lady Datin Anita
Children's Corner
   
 


maraming taon ang nakaraan umalis at nangibang bayan

bayan iniwanan hindi makalimutan at laging nasa isipan

marami sa iyo ang nagmamahal at gusto kang matulungan

sumigaw ka inang bayan kung ano ang iyung kagustuhan.

magaganda at mauunlad na ang iyong mga kapitbayan

ikaw naman ay matagal ng nakaratay sa banig ng karamdaman

mga duktor mo ang nagpapahirap sa iyong buto't balat na katawan

bumangon ka't magpanibagong buhay at mag-alsabalutan.

 
(Art above by: JPacena at ( http://jpacena.deviantart.com/ )


cont.:

lupa mo ay tuyo at tigang na, kinalimutan ng diligin

daluyan ng patubig ay sinarhan ng palihim

magsasaka ay lumuluha at kay tagal ng naninimdim

taong bayan ang magpapatubig mangagaling sa luha namin

 

ang natitira na lang sa dagat mo ay buwaya at pating

mangingisda magingat ka sa hawak mong punyal na matalim

mangingisda magingat sa mga nakaabang na mga ngipin

mahirap ka ng hanapin kung sa tiyan, o sa dagat ka malibing

 

kalat na sa katawan ang sakit mo at mahirap ka ng gamutin

tinapalan ka lamang ng band aid at pinainum ng aspirin

sakit mo ay malubha na at mahirap ng gamutin

gamot mo ay, sa taong bayan mangagaling 

 

ala Rizal, Kennedy,Gandhi o Martin Luther King

ang makalulutas sa iyong mga suliranin

maigsi ang kanilang buhay sa kamay ng asasin

nasaan ka dakila, kailan ba ang iyong dating.

 

Luid ka kabalen

Luid ka gobernador

Luid ka Pilipinas

Happy mothers day to all

 

Leo Gener

AHS-64